|
Post by tracymack on Jul 8, 2008 3:32:54 GMT 8
Here are the pics. I'll share my thoughts a little later...
|
|
|
Post by sanger on Jul 8, 2008 4:03:46 GMT 8
Kita ko to sa pangasinan.org kanina: February 13, 2008 05:46 PM Wednesday Pangasinan ex-mayor kinasuhan ng graft sa itinayong 2 sinehanSINAMPAHAN ng dalawang kaso ng katiwalian sa Sandiganbayan ang isang dating alkalde ng Urdaneta City, Pangasinan dahil sa maanomalya umanong kontrata para sa konstruksiyon ng dalawang cinema commercial center at hotel building sa lalawigan na nagkakahalaga ng P289.5 milyon. Kinilala ni Assistant Special Prosecutor I Lani Ramos ng Office of the Special Prosecutor ang akusadong si dating Urdaneta City Mayor Rodolfo Parayno na nagsilbing alkalde ng lungsod mula 1992 hanggang 2001 dahil sa kontrobersiyal na kontrata na nilagdaan ng lokal na pama-halaan at pribadong kontrak-tor. Sinabi ni Ramos na kabi-lang naman sa iba pang mga kasamahang akusado ni Pa-rayno sina private contractors Ronilo Goco, general manager ng Asean Pacific Planners Inc. (APPI) sa Cainta, Rizal at Ceferino Capalad, proprietor ng JJEFWA Builders sa Pandi, Bulacan, at Cesar Goco, presi-dente ng APPI. Nabatid naman sa Ombudsman ang orihinal na complainants sa dalawang mga kaso na sina Adolfo Basco, Rosary Gracia Perez, Rufino Ramil San Juan V, Leopoldo SJ del Prado, Mi Amor Lachica, Jennilyn Sison, Alexander Matero, Omar Esteves, Julio Parayno at Hero Sumera, pawang taga-Ur-daneta City, Pangasinan. Base sa reklamo, inakusa-han ni Ramos sina Parayno, Capalad at Cesar Goco ng paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ayon sa prosekusyon, nakipagsabwatan umano si Parayno noong Enero 2001 kina Capalad at Cesar Goco nang pumasok sa kontrata para sa konstruksiyon ng P250 milyon na four-storey Twin Cinema Commercial Center at Hotel Building sa JJEFWA Builders nang wala umanong pampublikong subasta at hindi rin umano naaprubahan ang kontrata ng Urdaneta Sangguniang Panglungsod. Nalaman kay Ramos na natanggap ng JJEFWA Buil-ders sa pamamagitan ni Cesar Goco ang partial payment na P41,250,000.00 mula sa Ur-daneta City na malinaw na pagkakaloob dito ng “un-warranted benefits, advan-tage and preference.” Isinama naman ni Ramos sa hiwalay na kaso ng kati-walian sina Parayno, Ronilo Goco at Cesar Goco. Iginiit ni Ramos na may kinalaman ang pangalawang katiwalian sa pakikipag-sabwatan ni Parayno kina Ronilo Goco at Cesar Goco noong Disyembre 27, 1999 hanggang Hunyo 13, 2000 sa dalawang written agreements sa Asean Pacific Planners pa-ra sa konstruksiyon ng two-storey building ng Twin Cine-ma sa halagang P7,500,000.00 at P32 milyon nang wala umanong pampublikong subasta. Ryan Ponce Pacpaco www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-02-13&sec=8&aid=49210 tsk tsk tsk
|
|
|
Post by silverjaws on Jul 8, 2008 11:56:15 GMT 8
will justice be served tho?
abangan....
|
|
|
Post by tracymack on Jul 8, 2008 13:08:58 GMT 8
Probably not. One thing's for sure though, if justice is not served in this lifetime, it will be at a later time and at a much higher level. Still, it would be nice to see those at fault pay for their wrong doings while they are still on this world ( & not yet beneath it ;D).
|
|